Mabibilang sa mga daliri mo ang mga taong natutuwa sa tuwing magkakamali ka, ngunit may iilan na nagtitiwala at naniniwala pa rin sayo kahit ilang beses ka pang madapa at paulit-ulit na tapak-tapakan ng mundo.
"Kaya mo 'yan."
"Magaling ka."
"Okay Lang Yan!"
"Nandito lang ako/kami palagi sa tabi mo.""Magkwento ka, makikinig ako."
Ang mga katagang paulit-ulit na manunuot sa tainga, pabalik-balik sa isip at habambuhay na kukurot sa puso mo kapag nagtagumpay ka o nabigo,
Kapag masaya ka o malungkot
Kapag mahina ka o malakas,
Kapag patong-patong ang problema at hindi mo na kaya.May mga tao pa rin talaga na magpapaalala ng kakaunting salita sa kabila ng maraming pangungutya.
Kakaunting mga salita na nanggaling sa kakaunting tao na nagtitiwala at naniniwala sa kakayahan mo
Kakaunting salita na magpapalakas sa loob mo kahit ilang beses ka pang talikuran ng mundo,Kakaunting salita pero malaki ang epekto sa buo mong pagkatao.
Siguro, ayos na ang kakaunting salita
Pero nanggaling naman sa mga totoong tao na naniniwala at nagpapahalaga sayo.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020