Sasama ka ba?
Hawakan mo ang kamay ko ng mahigpit
Halika na at ating lakbayin ang langit
Sa makinang na mga bituin, at mapanglaw na buwan
Sabay nating lakbayin ang bawat kabundukan,
Halika at hawakan ang aking mga kamay
Sandali tayong tumakas sa nakakasawang buhay
Sabay nating hanapin ang maligayang buhay
Pangako, sasamahan kita
Sa saglit nating paglalakbay.
Sasamahan kitang lakarin ang pighati ng alpombrang nagkalat
Tayo'y magtatampisaw sa malawak na dagat...
Sabay nating baybayin ang mga ulap sa alapaap..
Ngunit saglit lamang.
Sasama ka ba?
Sasama ka ba talaga?
Tinanong kita ng magtagpo ang ating mga mata.
Ganun nga,
Hindi na ako nagulat
Hindi na rin nakakabigla
Hindi ka manlang tumango
Ni hindi ka manlang kumurap
Bagkus sa akin ay marahan kang humarap
Umiwas ka sa'kin ng tingin
At sa ibang dako ay bumaling,
At sa wakas.
Ay nakasagot ka rin sa akin.
Pasensiya ka na..
Gusto ko mang sumama
Para makasama kita
Ngunit
Hindi ko kayang
Iwanan siyang mag-isa.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020