77

13 0 0
                                    

                   ☞MATA
Kapag puso na ang nagsalita,
hindi mapipigilan ang kirot.
Nanunuot ang sakit na dulot
Mahihirapan na makalimot..
Pero madalas– 'pag puso ang may sagot.
Nagiging masalimuot.

Kase palaging nakakontra ang nararamdam
Sa isinisigaw ng isipan.

Kapag isipan ang nagdikta
Tinitimbang ang mali at tama.
Ang nararamdaman ang tinatantiya
Sapagkat... hindi gaya ng puso..
isip ang kumikilos
para sa maayos na pagpapasiya.

Maaring ang bibig ay kayang magsalita
Lahat ng pagdaramdam ay kaya ibuga
'Yong mga bagay na hindi dapat ilabas
Nalalaman kapag nadulas
At ang mga salitang gusto ihayag
ay 'di magawang isiwalat.

Maaring ang bibig ay pwede pigilan
ngunit kadalasan,
sakit ang pinagmumulan ng mga salitang
resulta ng matinding nararamdaman.

Mapipigil ang nararamdaman.
Ngunit 'di ang tibok ng puso.
Sakaling ito'y huminto.
Kalayaan o pagdurusa ang tungo.

Matalino ang isip.
Kayang manipulahin ang bibig
Kayang maging alipin ang puso.
Kayang kontrahin ang bawat galaw ng katawan
Kayang baguhin ang dapat mong maramdaman..

Subalit hindi ang mata...
May mga salitang hindi mo masasambit..
At tanging sa mata lang makikita..

Hindi tumitibok ang mata
'pagkat bumubuhos ang pakiramdam kapag ang mata'y pagod na.

Kahit kailan..
Hindi kayang magsunungaling ng mata.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon