50

6 0 0
                                    

Pag•i•big

Minsan na kitang hiniling,
Kahit sobrang tagal, hinintay kitang dumating
Dati ka nang nakapiling, subalit maling tao ang dumaan sa akin,

Tila isang paru-paro sa tiyan,
Ang bawat salita ay sintamis ng asukal,
Ang mga ngiti'y singsarap ng keso,
At ang bawat lambing,
Sing-init ng kapeng barako.

Maihahambing sa mayuming bulaklak,
Kapag nariyan kay, balahibo ko'y lumiliyad,
Binibitbit ng alapaap ang aking kaluluwa,
Idinuduyan ng langit sa sobrang saya.

Yaong ang pagsinta'y hindi na maipagkakaila,
Labis na nag-aalab, sadyang ako'y mapalad,
Walang mapagsidlan ang damdaming naglalagablab,
Walang kapantay,
Ang pag-irog na nalalasap.

Subalit ang tadhana'y di habambuhay na tapat,
Ang tamis ay pinawi ng sakit at tukso
Ang saya'y iniwan at pinalitan ng lungkot,
Yaong espesyal na pakiramdam ay naging alipin na busabos.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon