55

7 0 0
                                    

SALAMAT

hindi sapat ang bawat letra at salita para sabihin ang nadarama,
sadyang nauutal lang talaga ang bibig kapag ikaw na ang kaharap,

hindi dahil nakatutunaw ang mga titig mo,
Kundi dahil -hindi ako kailanman masasanay na magpaalam sayo,
sa ganitong anggulo.

Salamat sa mahihigpit na yakap,
hindi ko nakakalimutan ang ilang beses ko nang makalimutang huminga dahil sa mga yakap na ayaw nang kumawala.

Salamat sa matatamis na ngiti,
hatid ng masayang ala-ala kasama ka,

Salamat sa pag-aalaga,
kahit minsa'y naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

Salamat sa lambing,
ang malamig na ihip ng hangin ang naghahatid ng init sa tuwing tayo'y nadadarang sa sariling pakiramdam.

Salamat,
Sa pagmamahal na walang kapantay,
Batid kong hindi ko na mararamdaman sa iba ang pagmamahal na iyong ipinaramdam,
Kaya't Salamat-
Sa pagmamahal mong hindi nagmamaktol at napapagal,

PAALAM sa sakit,
At salamat sa lahat ng magagandang ala-ala.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon