34

12 1 0
                                    

Hindi mabibilang sa daliri ang ilang matatamis na salitang pinagpalitan niyo
Maaaring hindi maikakaila ang kilig sa tuwing magkadaop ang palad
Maaaring hindi matutumbasan ng kahit na ano ang saya, tawa, ngiti at hikbi na pinagsaluhan niyo,

Walang kapantay ang ligaya sa bawat titig at pagpapahalaga sa isat-isa,
Ngunit sa mata ng iba, ang turingan ninyo ay walang pinagkaiba sa liko-likong daan na hindi mo masawata


Kagaya ng paglalakbay na walang katiyakan kung saan papunta,
Kagaya niyong dalawa na hindi alam kung "anong estado ba talaga?"

Walang titulo,
Walang selebrasyon,
Walang anibersaryo at numero
Walang titulo pero mahal mo,.
Maaaring masaya sa pakiramdam na may nadarama ka para sa kanya,
Maaaring may nadarama kayo sa isat-isa,

Pero minsan,
Hindi kailangan ng titulo sa relasyon niyo para lang maging masaya.
Basta't may pagmamahal at pagpapahalaga,
Walang saysay ang titulo kung kayo naman ang mananatili' sa isat-isa.

-Titulo

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon