57

7 0 0
                                    

KAPE
mahilig ako sa purong kape,
kahit lasang-lasa ko ang pait
ng kahapon nating hindi na magbabalik,
kahit sobrang init
at hindi ko na kayang tantiyahin ang sakit na paulit-ulit.

marahil ay paborito ko nga ang purong kape,
at kahit sobrang init ay hindi
ako mahihiyang ipagsigawan
ang ginaw at lamig na nararamdaman ko
kahit nandito ka pa sa'king tabi,

mahilig akong magkape,
na kahit gaano ko pa sanayin ang aking sarili
na pag-aralan ang tamang timpla,
sa huli'y
magagawa mo rin
palang makahanap ng iba.

na kahit ilang beses kitang alukin,
pagsilbihan,
ipagtimpla
at gawan
ng paborito mong kape–
sa huli–
ako rin pala
ay magagawa mong
iwan ng pangmatagalan.

dati.,
sa purong kape lang tayo nagsimula.
na kahit sobrang init na ng temperatura–
habang nakatingin ka sa gawi ko,
ay
hindi ko magawang umiwas
sa mga titig mong–
nakakahipnotismo.

kaya naman,
hindi lang isang tasa
ng purong kape
ang naging kasiyahan ko,
maging 'ikaw'
ng lumaon ay kinaadikan ko.

Ngunit–
tunay nga talaga,
na ang lahat ng sobra
ay nagiging masama–
at ang lahat ng masama
ay
nakakamatay.

kaya't
hinayaan kong lumamig
ang bagong timplang kape,
hindi na rin nakatutuwa
ang pagkakape ko palagi.
Masakit sa dibdib
ang idinudulot mong pait,
masakit sa damdamin
ang lahat
ng ipinabaon
mo sa'king sakit.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon