Ang Taong...
may mga araw
na halos mangalay
ang aking leeg–
sapagkat walang sawa
akong naghahanap
ng sagot
naghihintay ng tugon
kung kelan,
paano,
at bakit ako mag-isa–
habang ikaw,
ikaw na masaya
sa piling ng iba.may mga pagkakataon
na paulit-ulit kitang
hinihintay na bumalik.na– baka sakaling
maisip mo ang kalagayan ko
ngayong
wala ka na sa tabi ko.ilang beses kong
ipinagdasal na sana–
bumalik ka nalang
na sana–
piliin mo ako ulit.na sana–
ikaw 'yong nandito
para ibsan ang lahat ng sakit
na idinulot ng 'yong paglayo.ngunit sa sobrang tagal,
napapagal na akong umasa at maghintay.nagsasawa na akong makiusap.
naiinip na akong maniwalang
babalik tayo sa dati.habang tumatagal
ang sakit na mag-isa kong
iniinda
habang lumalalim ang pagkabalisa
at pangungulila,habang nagmamarka ang mga sugat
na hindi kayang paghilumin
ng aking mga luha,habang tumatagal
na– wala ka,
napagtanto kong
matutunan
kung paano makababangon
sa pagkadapa ko sayo.mas lalo kong hiniling
ang tuluyang paggaling
mas lalo kong hinangad
na lumakas
sa kabila ng pag-iisa.mas natutunan kong hilingin
na ibigay ang taong
marunong magpahalaga
ng oras at pagmamahal .mas napagtanto kong hilingin
ang taong handang makibaka
sa magulo kong mundo.mas gusto kong hilingin–
ang taong pipiliing manatili
sa tabi ko
kahit gaano kahirap
ang mahalin
at makasama
ang isang kagaya ko.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020