71

14 0 0
                                    

Sobrang Tagal

ilang beses
mo na bang
sinubukang balikan
ang ala-ala niyong dalawa?

marahil
ay hindi mo na
kayang bilangin ang
maraming pagkakataon–
na umaasa kang
ulit-ulitin 'yon
kasama siya. 

Ilang beses
mo na bang hiniling
ang pagbabalik niya?
na sa sobrang tagal,
sa sobrang lamig,

hindi mo na
matandaan kung
may pag-asa pa
bang naghihintay para
sa kanyang pagbabalik?

Na sa sobrang tagal,
Paulit-ulit mo nang
ipinagdarasal,

na sana– 
matagpuan mo
na ang taong
mas pipiliing
manatili sa'yong tabi,

kesa iwan ka ng
walang pasabi.
Kesa masaktan at
maghintay ka parati.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon