Kapag 'di mo na kaya ang bigat
Dahan-dahan mong ilapag ang iyong mga dinadala,Pwede ka namang magpahinga,
Pwede kang umidlip nang pansamantala.Kapag hindi mo na kaya ang bigat,
Marahan kang humugot ng malalim na buntong hiningaOo nga't hindi nito tuwirang matatanggal ang iyong mga problema
Subalit –bibigyan ka nito ng lakas ng loob para lumaban at magpatuloy pa,Pag hindi mo na kaya ang bigat,
Pwedeng-pwede ka namang umiyak,
Hayaan mong palisin ng mga luha ang kirot at hapdiPabayaan mong sumigaw at maghumiyaw ang iyong damdamin para maibsan ang sakit.
At kapag hindi mo na kaya ang bigat,
Nandito lang ako para makinig–
Sa lahat ng kwentong nais ibahagi ng iyong bibig,Nakahanda ang aking mga balikat kung sakaling kailangan mo ng masasandalan,
Pwede akong magpunas ng mga luhang hindi mo na kayang pigilan,
Buong puso kong iaalay ang aking bisig para yakapin ka,Buong tapang kong itatama ang bawat pagkakamali mo sa kung saang banda,
Buong pagkatao kitang tatanggapin sa kabila ng bigat at sakit na iyong dala-dala.At kung sobrang bigat na talaga
At sa tingin mo ay nahihirapan ka na,
Pwede kang tumawag sa Kanya.
Kahit na anong oras ay makikinig siya,Hayaan mong linisin niya ang galit sayong puso,
Susubukan niyang bigyan ng liwanag ang iyong isipan,Buong awa ka niyang ilalagay sa tamang landas.
Maaring may mga bagay na tila kayhirap ng baguhin at itama,
Subalit walang imposible kung sa Kanya ka patuloy na magtitiwala.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020