Kun•ten•to
Marahil, may mga bagay tayong hiniling,
Tapos kaagad ding dumating,
Meron din namang– hiniling pero–hindi pa napapanahon para dinggin,
Ngunit meron din namang– ibinigay pero
kaagad din naman binawi– o kaya'y ipinahiram lamang sandali–
Tapos bukas, 'di na ikaw ang may-ari.Sadyang may mga bagay, tao, espekulasyon, pangyayari– madalas hiling o kagustuhan
na halos ibinubulong na sa tala,
sa kalawakan, sa buwan o sa kahit na saan, para lang magkatotoo.Pero, may mga bagay din talaga na hindi ipinagkakaloob –
kung di talaga para sayo,Meron din namang panandaliang ipapatangan sayo– Tapos bukas makalawa,.
nawaglit na sa ulirat moO minsan,
Kapag hindi mo pinagsikapan
Kapag hindi mo pinaghirapan,Kapag masyado kang kampante–
na mapapasayo–
Hindi iaadyang itakdang mapunta sa landas mo–Hindi ipagkakaloob –
Hindi ka didinggin–
kaya't kadalasang
kabiguan ang iyong sasapitin.Hindi naman masama ang humiling,
Hindi rin masama ang mag-asam ng kabutihan,Subalit, kailangang kumilos ng tama,
Magpasya ng tama,
Maghintay ng tama.Para sa hiling na itinakda ng tadhana,
Sa tamang panahon, oras,
At tamang destinasyon.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoesíaIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020