86

11 0 0
                                    

              Ang Aking Pahinga

Hindi ko na matandaan
Kung ano ang eksaktong itsura ng ating mga mukha
n'ong unang beses tayong nagkita. 

Ang tanging nakarehistro sa aking ala-ala ay ang mga ngiti– sulyap at titigan natin,
na nagpapabagal sa galaw ng orasan
at nagpapabilis ng tibok sa aking puso.

Walang pangamba nating binuksan ang isat-isa
Walang takot nating pinagsaluhan ang mga kwento sa bawat araw– t'wing gabi
ang tungkol sa paboritong pelikula, libro, libangan, pook na gusto nating marating– mga pangarap na nais nating abutin.
Mga bagay na pinangakong– sabay nating gagawin.

Kagaya ng ibang istorya,
Sa kung paano naging masaya at matamis ang bawat simula,
Naging malabo na ang lahat sa bandang gitna.

Sa kung paano ako naging malakas– magmula nang mahalin ka
Ga'nun din pala ako ka'duwag para bitawan ka.

Ipinakita mo sa'kin ang iba't-ibang mukha ng pagsuko– sa pag-aakalang madali para sa'kin ang pagbitaw.

At sa t'wing itinataboy mo ako palayo,
Mas lalo kong ginugusto na manatili sa tabi mo– sa bisig mo, sa piling ng pagmamahal mo.

Isang yakap ng mahigpit at isang halik–  sayo na ako ulit.
Isang lambing, isang tingin–kaya mo akong paamuin.

Sa bawat kisap ng 'yong mga mata,
Ikaw ang aking pahinga.
Ikaw ang tahanan at ang yakap mo
ang habambuhay kong kanlungan.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon