Masaya na siya sa iba
Pero ikaw,
Nandiyan ka pa rin.
Naghihintay
Umaasa,
Nagbabakasakali,
Na baka bukas
Samakalawa,
Bumalik ulit siya,
Para mahalin ka ulit
Para samahan ka muli.
Heto ka parin,
At naniniwalang babalik kayo sa dati.
Nag-aasam at nagmamatyag na baka bukas,
Ikaw muli yong babaeng kasama niya sa litrato
At walang mapagsidlan ang saya at tuwa.
Sana ganon lang kadali.
Ngunit,
Hanggang kailan ka kaya maniniwala na imposibleng mangyari ang lahat?
Na imposibleng maging possible
Ang pagmamahal na matagal na niyang tinalikuran
At mistulang ginawa mo nang kulungan at tahanan.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PuisiIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020