N'ong una, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-hanga,
Wala rin akong ideya tungkol sa pag-ibig– maliban sa
naghaharumentadong tibok ng puso, nagwawalang paru-paro sa tiyan,
o biglang pagtigil ng mundo kapag nakita mo na ang taong para sayo,
Madalas ang mabilis na pag-ikot ng orasan sa t'wing kapiling mo ang pinakaespesyal na nilalang,
nararamdaman ang kaba at nakakakilig na sensasyon.
Kung minsan naman ay may kuryenteng kusang tumutulay kapag ang mga balat ay di sinasadyang naglapat,
kapag ang ngiti at sulyap ay nakahanap na ng katapat,
Kapag sa memorya, ang pangalan at itsura niya'y hindi na mawala-wala.
Tila saulado na rin ang itsura ng kanyang mukha, korte ng ilong at labi.Hindi sa paraang pag-ibig na nga ang nararamdaman,
Marahil, lumalago ang paghanga sa pag-ibig na makatotohanan.T'wing sasapit ang umaga, may isang taong babati –– at din palang ay buo na ang araw mo
Ngunit mas matimbang pa rin ang pag-ibig na araw-araw kang pipiliin – ipaparamdam sayo na kamahal-mahal at kaibig-ibig ang natatangi mong katauhan.Hindi ko alam kung ano ang pag-ibig hanggang sa may isang taong tumanggap sa pagkakamali at kahinaan ko–
may isang tao na handang makinig at yakapin ang madilim kong nakaraan,
may isang taong hinayaan akong ipakita ang tunay na ako–
ang mga bagay na gusto at ayaw ko– ang mga paborito– kape, pelikula, pagkain, libangan, libro,
Ang handang subukin ang kahinaan at kinatatakutan ko–
Ang taong buong pusong handang maging bahagi ng magulo kong mundo.Ang bawat araw na matulin na lumilipas ay tila ba isang ordinaryong istorya lamang,
na magtatapos sa mainit na palitan ng nakakakilig na mensahe tuwing gabi–
at magpapaalala ng pagmamahal hanggang kinabukasan.
Dati akala ko.Ang pag ibig pala ay hindi 'yong mga bagay na sinasabi mo lang ng paulit-ulit.
Kundi ito yong parati mong ginagawa kahit walang kahit na anong kapalit.
Hindi sa kung paano mo kinabisado ang paborito niyang pabango, ulam, libro, kape, libangan, pasyalan, damit o kung ano pa.
Hindi sa kung paano mo nakuha ang tamang timpla ng pagmamahal at pagpapahalaga,
Dahil dapat- balanse ang parehong panig.Minsan– akala natin, sapat na pakawalan ang mga salitang nasanay nating sambitin,
Mahal kita..
Mahal kita..
Madalas kulang.
Hindi natin napansin na mas matimbang pala ang manatili sa tabi– iparamdam ang yakap at haplos,
Tanungin kung kamusta siya,
Alamin ang nararamdaman
Palisin ang sakit– at iparamdam na hindi siya kailanman mag-iisa.
Na kahit anong mangyari ay mananatili ka sa kanyang tabi.
Mahalaga na malaman niyang nandiyan ka palagi para alalayan siya,
At handa kang lumaban at masaktan– makita mo lang siyang masaya.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020