Bukangliwayway
sa tuwing sila'y nasa dilim,
pangalan mo ang laging sinasambit,
kaya't walang dalawang isip mo silang hihilahin
papunta sa liwanag.
at sa t'wing ika'y nalulunod,
tawagin mo sila ng paulit-ulit,
tila ba ikaw ay hindi nila naririnig,sa tuwing ika'y lulubog,
tanging pagsagip ang iyong pakiusap,
tanging pag-ahon ang ninanais maapuhap–subalit–
walang may nais –na damayan ka.
marahil ay ga'nun talaga,
ang hanapin,
tuklasin,at marating ang iyong kadilima'y
walang may nais na
pasukin ang bukana ng iyong liwanag.
batid mong walang may nais–
na pagmasdan ang kadiliman
kahit pa nababalot ito ng kabutihan.
walang may gusto–
kaya't madalas ay–
pinipili nilang lumisan.ngunit,
hindi totoong wala kang taglay na ganda,hindi totoong puro kamalasan
at dilim ang iyong dala,
dahil sa bawat kirot
at pagdurusa,
matututunan mong maging masaya,sa bawat kwento,
maiintindihan mo ang kahulugan ng pagpapahalaga at pagiging kontento,Sa bawat sakit,
mapupulot mong nararapat na yakapin ang pag-iisa,
Sa bawat dilim,
matututunan mong pakawalan
ang lahat ng bigat na iyong kinikimkim.Maaring nag-aalala ka,
pero ikaw ang nagparamdam na hindi ko na kailangan pa ng iba,
para maramdaman ang pagpapahalaga
at mabuhay ng masaya.Para sa akin, hindi man maganda ang simula ng araw,
kinabukasan, ikaw ang paborito kong simula ng bukangliwayway.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020