•Y A K A P •
Nasasabik ako sa yakap mo.
Sa kung paano magdaop ang iyong mga palad sa aking balat–
kakaibang pakiramdam ang hatid sa aking buong katawan.Dahil sa mga yakap mo lang naman
ako nagiging payapa.
Dahil sa yakap mo lang naman ako tumatahan.
Yakap mo ang tangi kong pahinga.
Ang yakap mo ang aking tahanan.Kapangyarihan ang tanging bitbit.
Ligtas ako sayong mga bisig.
At palagi nitong inaalis– ang galit, inis, pagtatampo, tukso at pag-aalinlangan.Ang walang kapagurang pagpaghihinala.
Ang hindi matapos-tapos na katanungan.Madalas nitong binubura ang pait at sakit na nararamdaman.
Madalas pinapawi ang nagagalit na kalooban.Kapag yakap mo'ko– gumagaan
ang aking pakiramdam.
Wala nang mahiling pa.
Lahat ng pagdududa ay nabubura.Ang pagkabalisa ay inaanod ng bumubugsong puso.
Kapangyarihan na nitong pangatugin ang aking mga tuhod–
patigilin ang pusong natataranta– ang pusong nagwawala.Sa tuwing yakap mo'ko,
pakiramdam ko'y wala nang mas hihigit pa sa pagsakop ng bisig mo.
Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na may mga brasong humahapit para alisin ang maraming bakit.Wala nang mas titindi sa malalim na hiningang pinagsasaluhan nating dalawa– saksi ang yapos na hindi mapigilang humulagpos
para buuin ang nasirang tiwala– para sirain ang nabuong mga hinala.
Para nanumbalik ang pagsuyo.Makapangyarihan ang bawat yakap.
Dito mo masisigurado na
kahit iwan ka ng mundo,
may isang balikat na handang ialay sayo ang mundo.
May isang tao na handang sumalo sa lahat ng luha mo.May bisig na handang yakapin ang kahinaan mo.
Dahil sa yakap,
may pusong sugatan na handang magpatuloy.
Dahil sa yakap mo–
lumalakas ang loob ko.
Tumitindi ang pangarap ko.Dahil sa yakap. Masaya ang puso ko.
Dahil sa yakap mo.
Buong-buo ang pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020