Pangarap
sadyang
nakakapagod
mabuhay
sa pangarap ng iba.May mga
bagay na iaasa sayo
at sa bandang huli
kapag hindi mo kinaya,
sayo
magmamarka
ang sisi.siguro nga,
mahina ka,
kulang pa sa kaalaman,
kulang ka pa
sa kasanayan,
kulang pa
ang oras
para
magawa mo
ang pangarap ng tama.pero hindi ka dapat
sumuko.ang lahat ng pagdurusa ay may
hangganan.
ang lahat ng pagpapakasakit
ay may katapat na
alwan.
ang lahat ng tanong
ay masasagot rin.pagdating ng tamang panahon,
kapag handa ka na.
kapag umayon ang tadhana.
ang lahat ng pangarap mo
ay agad na
magkakatotoo.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020