Ipangako mo ngayong taon, na hindi mo na ipagpipilitan pa ang sarili mo sa mga taong ayaw naman sayo.
Tandaan mo na marami ang gustong maging parte ng buhay mo, hindi mo lang napapansin dahil sa iba ka nakatingin.Ipangako mo na pag-aaralan mong tumanggi sa mga taong mapagsamantala.
Oo nga at matulungin ka, madalas sa lahat ng oras ay kaya mong tumulong kapag kailangan ka nila,
Pero sana alam mo rin kung hanggang saan ka lang dapat pumayag,
At kung kailan ka pwede humindi.Ipangako mo na, buong tapang mong haharapin ang mga suliranin.
May mga problemang kaya kang lumpuhin at patayin,
Pero may mga sulusyon na kayang pagaanin at tuluyang tatanggalin ang bawat suliranin.Tandaan mo. Kung may isandaang rason para sumuko ka,
Mag-isip ka muna ng isang matinding dahilan kung saan at bakit ka nagsimula.Oo nga't mahirap sa umpisa,
Pero makakaya mo kahit ang imposible, kapag nagsikap ka at nagtiwala.Higit sa lahat. Ipangako mo.
Ipangako mo sa iyong sarili na uunahin mo siya kahit na anong mangyari.
Sana ay maglaan ka ng mahabang panahon para kamustahin ang iyong sarili.Sana ay ibuhos mo sa kanya ang walang kapantay na pagmamahal at pag-aalaga.
Dahil sigurado ako na hindi mabubuo ang mga pangako,
Pati ang pagkatao,
Kapag hindi buo ang sarili mo.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020