Noong unang panahon,
May isang puso na nababalot ng ilap,
At sa sobrang ilap ang pusong iyon ay tila mapagpanggap
Ni ayaw makipagkaibigan
Ni ayaw makipagkilala.
Halos lahat ng ibang puso ay gusto siyang makita,
Gusto siyang mahalin.
Gusto siyang kalingain.Subalit ang pusong mailap ay tila manhid na sa bawat parinig
Ni walang salitang nanggagaling sa kanyang bibig
Ni walang napupusuang pag-ibig
At tanging pag-iisa lang ang kanyang ninanais.Isang Gabi ang lumipas at parang may nangyaring himala.
Ang mga panalangin ay dininig ni Bathala
Sa ilalim ng kalawakan , ang puso ay isinumpa
Na simula ngayong araw, ay tatanggalan na ng hiya.Ang lahat ay nagimbal, nagulat at nagtaka
Ang pusong mapag-isa ay bigla nalang maging masaya
Ang ilang pusong nakakita ay tila nagtaka
Nang makita ang pusong pinanawan na ng hiya.Ang hiling sa langit ay bigyan ng sinisinta
Na magiging sapat at mamahalin siya
Ang hiling ay di nagtagal
sapagkat agad na ipinadala
Agad na binigay ang kanyang biyaya
Kung kaya't ang pusong dating malungkot
Ay bigla nalang sumigla
Nang makita ang taong labis niyang sinisinta,
At hindi nga nagtagal nang ang pag-ibig ay nagbunga
Ng matamis na pagsuyong tila walang kapara.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020