Sa huling tula, ikaw parin ang Katha.Sumulat ako
Na may masayang simula
Kaluskos, liwanag, tamis ng mga ngiti
Sayo'y nahulog ako bigla
Ang obrang tula ay nagkaroon ng sigla
Kasabay ng pagmamahalang inukit ng saya.Sa aking pagsulat, ikaw ang naging tugma
Sa bawat linya ay iginuguhit ang mukha
Aking inilarawan ang ating pagsinta
Mga ngiting bumihag sa bawat stanza.Tunay ngang kaytamis ng bawat simula
May surpresang hatid ang bawat ala-ala
Kagaya ng tulang, kilabot ang tindig
Sa bawat tibok ng ating mga dibdib.Sa kalagitnaan ng aking pagtugma
Tila nga nagbago ang kwento na katha
Ang kilig at tamis, yaong napalitan ng pait
Ang yakap mo't halik ay ninakaw ng pagtangis.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020