68

14 0 0
                                    

Sasakyan
ang buhay
ay parang
isang sasakyan
sa kung saan
pwede kang magsakay
at magbaba
ng mga taong nakasama
mo papunta at pabalik
sa isang lugar,
kakaibang ala-ala
o destinasyon.

subalit sa sarili mong sasakyan,
isa kang drayber.
kailangan mong imaneho mag-isa ang iyong buhay
at maluwag mong buksan ang
pinto kapag may gustong
pumasok,
sumakay,
makisabay
o
may gustong
umalis,
bumaba
at magpaalam.

hindi mapipigilan ang pag-alis
hindi maiiwasan ang pagtigil
kung sakaling may lilisan,
o sasakay para makasama mo sa paglalakbay,
pero ang tunay na reyalidad,
may mga dadating para makasama mo

mag mga dadaan saglit pero kailangab na ding umalis
at may mga taong baba pagkatapos mong ihatid sa nararapat na destinasyon.

Sa huli, maiiwan kang mag-isa
kasama ng maraming ala-ala
kung paano mo isinakay ang bawat pasahero
at ang mga ala-ala ng pag-papaalam
kapag kailangan na nila lumisan.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon