Matagal-tagal na rin akong nag-iisa,
Minsan nang nag-asam ng makakasama, subalit– ang panahon ang tanging mag-aadya.
T'wing araw, palagi kong tinitingala ang liwanag na nagmumula sa kalangitan.Ilang beses akong ngumingiti na parang tanga habang masaya akong nagmamasid at nababalot sa liwanag na masakit sa aking balat.
Ilang ulit akong tumitigil para sulyapan ang araw na walang humpay sa pagsikat.
Ang araw,
Napakagandang pagmasdan,
Sublit masakit sa mata kung matagal mong titingnan.T'wing gabi naman,
Gustong gusto kong pagmasdan ang kalawakan
Ang hilinging makarating sa tuktok ng buwan,Ang makasungkit ng mga bituin
At ang mabalot sa gandang tinataglay ng tahimik na tanawin sa itaas.Ngunit,
May mga gabing binabalot ako ng lungkot at luha
Habang nakatingala sa kalawakan.Yon na yata ang mga panahon na tunay kong naramdaman ang lubos kong pag-iisa.
Walang kahit na sino o ano sa tabi ko,
At tanging ulap, bituin, buwan, bulalakaw at alapaap lang ang meron akoPero, sa isang iglap ay nagbago ang lahat nong dumating ka na.
Ang ilang milyong hiling sa hindi maliparang uwak na mga bituin ay sinagot ng langit.Ang maraming beses na pagpatak ng mga luha ay inihulog ni Bathala,
Ang walang katapusang sana ay pinalitan ng 'ikaw na.'Walang mapagsidlan ang tuwa nong dumating ka,
Parang ang alapaap na hiniling kong malipad ay narating ko na– sa pamamagitan ng mga yakap mong banayadAng lungkot ay pinawi at pinalitan mo ng ngiti mapaaraw man o Gabi
Ang mga araw na nag-iisa ay hindi na muling matatanawAng mga gabing malamig ay hindi na muling mararamdaman–
Dahil nandiyan ka na.
Dahil sa wakas,
Binigay ka na ng Diyos– para habambuhay kong makasama.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020