45

8 1 0
                                    


Kung ikaw ang darating
At aalis lang rin,
Maari bang maglakad ka nalang pabalik sa lugar kung saan ka galing,
Kesa magtungo ka sa lugar
kung saan kita mamahalin
Tapos ako na masasaktan ng sobra-sobra.



Pwede bang ilihis mo ang landas,
Para hindi na tayo magtagpo
Hindi dahil ayaw ko sayo,
Kundi
Hindi ko nais na magkasakitan pa tayo .


Pwede bang ikubli mo ang iyong sarili?
At ang nararamdaman ay iyong ikubli
Hindi ko nais na makita ang iyong mga ngiti
Para bihagin ako sa maraming sandali

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon