Nong una ang akala ko,
na kapag natagpuan ko ang pag-ibig,
Magpapatuloy ang saya at pananabik sa bawat oras, araw at taon na daraan.
Mananatili' ang tamis at kilig kapag may kislap na namamayani sa mundo ng dalawang nagmamahalan
Na walang kakayahang kontrolin ng unos ang diwa ng pusong lunod sa pag-ibig
Na walang mas mahalaga sa mundong ibabaw kundi ang makaramdam ng pagmamahal na kayang suklian o higitan pa ng taong gusto nating alayan ng pagmamahal.Ngunit mali.
Mali na sa pag-ibig lang natin hinahanap ang tunay na saya,
Mali na sa pag-ibig lang tayo nakakaramdam ng pagpapahalaga.Dahil ang totoo, madali lang ituro ang paraan ng pag-ibig at kung paano ka dapat umibig at ibigin
Ngunit mahirap kontrolin ang simula at hangganan ng taong umikot sa sariling nararamdaman ang pagkalma,
Ngunit hindi naman kayang mahalin ang kanyang sarili ng tama.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020