18

10 2 0
                                    


Paano nga ba tatapusin ang aking nararamdaman,
Kung wala naman tayong pag-ibig na nasimulan.
Paano nga ba makakalaya sa nakaraan,
Kung patuloy parin akong nakatali sa iyong pakiramdam.
Paano nga ba magpapatuloy,
Kung sa puso mo ay hindi ako magawang mapatuloy.
Paano nga ba aalisin ang sakit,
Kung sa bawat pagpikit,
Puro pait at kaluluwa ng bakit ang aking tinitiis.
Paano nga ba ang aking pag-ibig,
Kung sa simula pa lang ay hindi ako ang iyong iniibig.
Paano nga ba ang aking nararamdaman,
Kung sa akin ay wala ka namang pakiramdam?

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon