65

14 0 0
                                    

Nilisan
simula ng lisanin mo ako,
hindi ko na alam
kung paano ako nakausad
kung paano ako magigising
bukas, makalawa
at magkunwaring
ayos lang
ang lahat.

simula ng
lisanin mo ako,
hindi ko na alam
kung paano
muli magpapatawad,
dahil mismong
'yong sarili ko,
araw-araw kong
pinaparusahan
dahil sa pag-alis mo.

simula ng lisanin mo ako,
natakot na akong magmahal,
natakot ako na baka kagaya mo rin sila,
na madaling masaktan
at basta-basta nalang nang-iiwan.

napagod na rin akong magtiwala.
dahil sa tuwing ibibigay ko ang sarili ko,
inuubos lang ang sigla at saya,
tapos bigla-bigla rin palang mawawala.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon