Maaaring iyon ay maaari.
Sa pagdaan ng araw-araw kong pakikipagbuno sa sarili kong isipan,
Natutunan ko na,
Hindi lahat ng dumarating ay nagtatagal
At hindi lahat ng nagtatagal ay pwedeng manatili.
Maaring kayang paghilumin ng oras ang bawat sakit na nararamdaman,
Ngunit hindi kayang pigilan ng panahon ang paminsan-minsang pagdalaw ng mapait mong nakaraan.Natutunan ko na hindi lahat ng magandang simula
Ay may maaliwalas na katapusan.
Sapagkat bago ka makarating sa minimithi mong wakas,
Kailangan mo munang harapin ang pagkabigo at pagkawasak.
Hindi madali ang daan kung lubak-lubak mo itong babagtasin,
Ngunit, magiging magaan ang iyong paglalakbay kung palagi kang
mananalangin.Natutunan ko na hindi simpleng unos o problema ang pwedeng humadlang sa mga pangarap mo.
Hindi rin ito pwedeng maging rason para ikaw ay huminto.
Maaring hindi rin ito senyales na muli ka nanamang mabibigo,
Sa halip, ito'y pagsubok na pwedeng magpatatag at magpatibay ng 'yong pagkatao.Kaya bago mo isipin ang pagsuko,
Ano nga ba ang mga natutunan mo?
Maaring isa sa mga yon ang sagot
Para magpatuloy ka pa.
Maaring lahat yon ay rason kung bakit hindi mo magawang bumitaw.
Maaring iyon ang dahilan kung bakit kailangan mo pang kumapit ng mas matagal.
Maaring iyon ang sagot para maniwala at magtiwala ka pasa iyong sariling kakayahan at pangarap.
Maaring iyon ang matibay na sandalan ng mga luha at ngiti– sa t'wing hindi mo na kayang dalhin ang bigat ng pakiramdam.
Ngunit maaaring iyon rin ang natatanging paraan para itama ang pagkakamali tungo sa panibagong bukas.
Maaaring iyon– ay maaari.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020