•Pagbabago•
Sa sobrang tagal ng paghihintay,
napapagod ka na.
Naiinip – at nag-aasam
na magbabago
ang ihip ng hangin.
Palagi mong iniisip
ang kahihinatnan.
"Paano kung ganito?"
Pero"Paano kung ganiyan?"
Napapagal ka na
sa paghihinala at pag-aakala.
Ang kaba ay dahilan
ng pagkabalisa.Hindi mo hawak
ang takbo ng mundo.
Walang permanente,
Walang gusto manatili.Sa isang patak ng oras,
ang minuto ay pwedeng maging pagkakataon.
ang segundo ay kayang takbuhin ng milya-milyang paghinga.Lahat ay pwedeng magbago
Lahat ay pwedeng baguhin.
Pati ang buhay.Pati ang sarili .
Maging ang
nararamdaman ay
pwedeng magbago.
Maaring ngayon,
kaya niyang ipangako
ang mundo, tadhana at ang kalawakan sayo,Pero malay mo naman.
Bukas,
Makalawa.
Hindi ka na parte ng mga pangarap niya.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020