Minsan,
Hindi talaga natin maiiwasan
Na makaramdam ng pagod at takot
Kahit sobrang mahal natin ang isang tao.
Dinadala tayo ng takot
Sa pangamba at pag-aalala
Na baka bukas, samakalawa,
Makahanap siya ng iba.
Ng taong mas higit pa.
Ng taong mas kaya siyang alagaan
Ng taong mas kaya siyang mahalin at pakisamahan.
Hindi natin maiiwasang matakot
Na baka bukas paggising natin,
Hilingin niyang lumayo
At humingi ng kalayaan.
Masakit isipin na kahit ayaw na sayo ng tao
Mas pinipilit mo parin siyang ipaglaban
Mas pinipilit mo parin siyang manatili na lang.
Subalit kadalasan,
Ang rason ay nagiging lason para magkasakitan ang dalawang taong nagmamahalan.
Malimit na,
Wala nang rason pa para ipaglaban pa
Ang taong walang ibang hinangad
Kundi ang makalaya
At piliing lumisan sa tabi mo
Kahit gaano mo pa siya kamahal.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020