PAALAM
Sinabi ko sa sarili ko na–
kaya kong mabuhay ng wala ka,
kaya kong maging masaya kahit wala ka,kaya kong huminga kahit wala ka.
Kakayanin ko na wala ka.Nasanay ako sa katwirang,
"Nabuhay nga ako sa matagal na panahon–na wala ka"–nong di pa tayo magkakilala,
ngayon pa kaya?
kinaya ko ngang huminga– na wala ka,
ngayon pa ba?Subalit alam ko na–
Sa tuwing sasabihin kong 'okay lang'–
"Ayos lang na wala ka "–Alam ko sa sarili ko na–
Dinadaya ko ang isip ko,
Habang niloloko ako ng aking puso.At sa tuwing sasabihin ko ang mga bagay na 'yan,
sa tuwing iisipin ko na–pinipilit kong maging masaya,Para akong piraso– na pinipira-piraso
Durog–na paulit-ulit na dinudurog
Basag na binasag basag
–at pilit na tinutusok-tusok ang kaluluwa.Ngunit,
sa kabilang banda,
Hindi ka man nanatili ng matagal sa tabi ko,
Salamat– dahil maraming panahon na sinubukan mong umalis,
Pero nanatili ka pa rin.
Hindi man ako ang rason ngayon ng kasiyahan mo,Salamat dahil
kahit papaano, may mga oras na malungkot pero nagawa mong kulayan ang malabo kong mundo,Hindi man ako ang itinakda para makasama mo hanggang dulo,
Tandaan mo na, palagi kang may espesyal na lugar sa aking puso.Minahal kita ng higit pa sa kaya ko,
Pero ngayon,
Panahon naman na–para mahalin ang sarili ko.PAALAM at Salamat sa pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020