■ Gusto mo ako... Sana■
Gusto mo ako.
Ngunit kabaligtaran ang sinasabi ng
mga mata mo.
Hindi ako dahilan ng bawat sulyap at titig mo
At mas lalong hindi ako
ang nagmamay-ari ng pagtingin mo.Gusto mo ako.
Pero hindi pangalan ko
ang laging laman ng mga kwento mo.
Walang salita ang mahahanap sa lahat ng binabanggit mo.
Walang puwang ang kagaya ko
sa bawat bukambibig mo.Gusto mo ako.
Ngunit hindi mo ako magawang titigan sa mga mata.
Ni bahid ng marahan na kapit.
Walang kahit na anong tuwa ang nararamdaman mo
sa t'wing ako ang nasa tabi mo.Gusto mo ako.
At gusto kita.
Nakakulong tayo sa mapaglarong kwento ng isat-isa.
Animo'y totoo at dalisay na pag-ibig ang meron ka,
Tapos.
Pakitang-tao lang pala.Gusto mo ako– Sabi ko.
Sa pag-aakalang ang pagtingin ko sayo ay katumbas sakin ng pagtingin mo.
Na maaring ang nararamdaman ko
Ay nadarama mo rin.Sana... Gusto mo ako.
Sabi ko, 'gusto mo rin kaya ako?'
Kase ako...
Gustong-gusto kita.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020