76

12 0 0
                                    

                     ❛   DAGAT  ❛
Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin–
habang nakatunghay sayong harapan. Sa kung gaano ka kalalim,
pinangarap kong sisirin ang 'yong  kariktan.
Gayundin ang karimlan
na napakasarap tunghayan
t'wing kadiliman.

Ang alon na humahampas sa buhangin ng nakaraan
At kung paano natigang
ang nagmamarkang butil sa may pampang–
ay hindi ko maintindihan,
kung bakit bigla nalang lumisan.

Ninais kong liparin ang kalawakan
Maabot ang bituin– marating ang buwan
hintayin ang liwanag na balutin
ang kinang na repleksyon ng 'yong kabuuan.

Ninais kong mapanood ang paroo't parito – na mga along hindi alintanang mapagod
habang inaanod ang ala-ala ng kahapon.
Ginusto kong mapanood ang mga halik na nakakalunod.

Subalit,
Nang pawiin ang dilim
ang tumatangis ng palihim
sa liwanag inangkin
ang halimuyak ng aromang umaangkin
sa karagatan.

Sa dagat ng luhang nakalatag sa paanan ng nalunod na saya– ngiti at pighati
Na ninais kong ikubli.
Ngunit–
kusang inagos ng pagkukunwari.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon