52

6 0 0
                                    

Maskara

Isang nilamukos na papel,
para sa hindi maipintang itsura

Isang tuyot na talulot ng rosas,
para sa inibig– ngunit kaagad ding iniwan.

Sa pakpak ng ibong, hindi makalipad sa tuktok,
Sa laguslos ng batis na hindi makarating sa rurok.

Kung paano ibinulong ng hangin– ang pagkukunwari,
ay ga'nun din inilarawan ang bawat hapdi

Kung saang banda hinanap ng lungkot ang sakit,
kung paano itinago ng pait ang hinagpis.

Kung ang tuwa ay totoo, bakit nagbabalat-kayo,
Masaya, bakit ba–may luha sa mata mo?
Hapis ng mga ngiti, ngunit mata'y sinungaling
Madarama at malalaman,
Kapag mata–tumingin..

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon