Sa tuwing magagawi ako sa harapan ng salamin,
Hindi ko maiwasang pansinin ang ilang hibla ng kulubot ko sa mukha ng mga pagkakamaling pilit kong itinatama.
Ang dalawang mata na bilog at mapungay subalit may nakatagong sekreto na kahit anong kisap at sulyap ay hindi maitatanging malinaw na ang lahat ng nakikita ko ay nababahiran ng peke at kasamaanSa ilang saglit natitigan ko ang aking ilong, hindi ko mawari kung bakit iyon nakadapa at ganung itsura ang aking tinamasa subalit hindi ko mas lalong inakala na kaya nitong amuyin ang mabaho at mabangong ala-ala na kahit na anong takip ang aking gawin ay umaalingasaw sa sobrang sang-sang.
Hindi ko mawari ang bawat kulubot at tuyot sa labi kong makapal, sa bibig kong masukal kung saan nanggagaling ang samut-saring salita na nababanggit ko sa kung saan,
Sa kung sino man, subalit hindi ko parin lubos na nauunawaan ang tunay na kahulugan.Humugot ako ng malalim na hininga at napagtanto kong napakamalas ko sa aking itsura.
Hindi ako biniyayaan ng perpektong mata,
Ng matangos na ilong
Ng maumbok at makinis na pisngi
Ng malaporselanang kutis
Ng manipis at mapulang labi
Ng maganda at modelong postura
Naaayon na hubog ng katawanHindi ako biniyayaan ng magandang kaanyuan
At napagtanto kong napakapangit ko para makibagay sa mundong tahanan ng maraming hurado.
Hindi ako nababagay.Subalit, muli akong tumingin sa salamin at napagtanto kong hindi pala tumatagos ang repleksyon ng kaloob-looban ko sa bukana ng liwanag.
Hindi pala magagamit ang magandang itsura
Kung pangit naman ang iyong ugali.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020