Taas noo, Saludo ako.
Sa mundong mapanghamon,
At kadalasan ay bumabagyo pagkatapos ng ilang ambon,
Karahasan at epidemya ang siyang dagok at hamon
Para maranasan ang hagupit at tunay na hatol.
Para magpaalam at tuluyan nang lisanin ang kamunduhan
O para mapanatili ang pagmamahalan at kabayanihan.Gayunpaman,
Gayunpaman ay sandali mong ibaling ang iyong atensiyon sa nakabukas mong bintana
At duon mo makikita ang tunay na panata
Naglilingkod, nagseserbisyo, nag aaruga at nag-aalaga
Ang mga taong nananatiling totoo,
sa kabila nang ipedemyang mapagbantaSaglit mong takasan ang rehas mong makasarili
At tibayan mo ang gapos, para isukbit ang 'yong mga ngiti
Sa mga taong nakasubaybay, mapa-araw man o gabi
Hindi alintana ang hirap at pagod,
Mapaglingkuran lang ang ating bayan at lipiSandali mong buksan ang pinto at mataman mong sulyapan
Ang mga taong bukas palad, walang anumang hamon ang inuurungan
Buhay ay isusugal, upang pangangailangan ng mamamayan ay matugunan
Di mahihigitan ng anumang halaga, ang inyong kabutihan at kabayanihan.Sa sitwasyong ganito,
Hindi himagsikan ang siyang labanan,
Kundi ang pagkakaisa at pagtutulungan
Sa oras nang kagipitan, sa oras ng karamdaman
Yung may makakapitan ka, at masasandalan.Sa panahong ito, Isa lang ang sigurado
Ang malubhang karamdaman, ay isa ngang malaking delubyo
Para manalasa, at para subukin tayong
Gamitin ang disiplina at maging ang mabuting pagpapakatao.Sa mga magigiting at makabagong bayani
Ang yakap, halik, at tapik ay hindi naman maaari.
Hindi rin sasapat ang 'salamat', sa inyong pagpupunyagi
Kayo'y mga 'alamat' at hindi iyon maitatanggi.Taas noo, saludo ako
Sa mga makabagong bayani ng ating mundo,
Sa mga pulis, tanod at sundalo
Sa matatapang na doktor at responsableng gobyerno.
Sa mga health workers, driver, tsuper man at tindero,
Sa lahat ng mga taong, pomoprotekta, tumutulong, sumusugpo
At naghahanap ng lunas para malagpasan ang lahat ng ito,Taas noo, saludo ako
Sa kabayanihan, kagitingan at katapangan ng LAHING PILIPINO ❤️
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020