49

7 0 0
                                    

A•la•pa•ap

Sabay nating abutin,
Ang kamay mo'y aking aalalayan,
Pangakong hindi kita pababayaan,
Hanggang sa marating natin ang rurok ng hangganan.

Iduduyan kita sa mga ulap,
Kumapit ka at wag munang mumulat
Damhin ang hanging humahampas sa'yong balat,
Hayaang ang diwa nati'y tahimik na maglayag.

Dati'y pangarap ko lang–na mag-isang lumipad,
At kumubli sa liwanag ng araw,.
Subalit para akong anghel na nagtatampisaw sa langit,
Nang ika'y makapiling,
Di ko na ninanais pang magising.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon