79

10 0 0
                                    

•Hindi ang pag-ibig ko•
Kapag dumating ang araw na nabura ang aking memorya
at hindi na kita maalala,
wag mo nang ipilit.

Wag mo nang ipilit ang gusto mo-
na hayaan nalang ako sa mga nalalaman ko.
Na hayaan nalang akong makulong sa memorya ko- kung saan
walang bahid ng nakaraan kung 'san kasama kita saglit sa'king isipan.

Ihanda mo sana ang pinakamahaba mong pasensiya
sa t'wing tatanungin kita.
Makulit ako-
pero sana'y wag kang magsasawang ipaliwanag sa'kin
kung ano talaga ang totoo.

Kung mangyari man na hindi na kita maalala,
Magpakilala ka sana.
Sabihin mo kung sino ka sa buhay ko.
Ikwento mo lahat.

Gaya no'n- noong una kitang makita
sa lugar nang lumaon ay naging tagpuan.
Gaya nong mga oras na magkasalo tayo sa bawat salita.
Wag kang mapapagod hanggang
sa tuluyan na kitang maalala.

Wag mong kalimutang ikwento
kung saan at paano tayo nagsimula.
Sa kung paano ako inilipad ng hangin papunta sayo.

Habang ang mga bisig mo ang kusang sumalo
Sa kung paano tayo nahulog sa nararamdaman nang walang takot at pag-aalinlangan.

Ipaalala mo ang masayang umpisa.
Ang ligawan at suyuan,
Ang mga sulat, bulaklak at kilig
sa t'wing ika'y nariyan.

Ang sulyap at pagmamahal
Sa kung paano tayo parehong nadarang.
At ang araw na ipinakilala natin ang isat-isa
sa'ting pamilya at magulang.

Sambitin mo ang iyong ngalan,
'na ikaw ang lalaking una't huli kong minamahal'
Ipaalala mo sa'kin
Kung gaano kasarap ang mabuhay sayong pagmamahal ..

Doon.
Sa paraang 'yon ay mabilis kitang maaalala.
Sa paraang yon ay agad kitang makikilala

Sa pagkakataong 'yon ay sasariwain ang nakaraan ng aking memorya..
Sa kung saan- kasama kita...
Sa kung saan- mahal pa natin ang isat-isa.

Sapagkat- madaling magkunwari na hindi tayo magkakilala
Pero ang pakiramdam at titigan ay madaling makakilala

Maaring ang isipan ay kayang isara at manatiling nagbubulag-bulagan
Ngunit ang tibok ay 'di kayang dayain ang ating nararamdaman.

Pwedeng makalimot ang isipan
ngunit hindi ang pusong nagmamahal
Pwedeng dayain
At nakawin ang nakaraan
Ngunit hindi ang ating pag-iibigan.
Hindi ang pag-ibig mo.
Hindi ang pag-ibig na iningatan at matagal kong ipinaglaban.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon