Ngayong taon, Marami akong natutunan.Hindi lahat ng nakakasama mo ay mananatili sa tabi mo.
Kadalasan ang iba, nakakubli sa kaluluwa subalit ang Ilan, iiwan ka ng luhaan,
biglaan at walang paalam, subalit wala kang magagawa kundi ang tumayo at tanggapin ang katotohanang sa mundo, walang nananatiling totoo kundi ang pagbabago
Kabilang na ang sarili mo.Sa taong ito na kapahamakan ang mapalapit, dahil sa malubhang sakit
Na naging dahilan para sapitin ng bawat Isa ang panaginip na masakit,
Ang pighating puno ng pait at pamamaalam sa bawat pamilyang naghihinagpis,
Nasasabik sa yakap na mahigpit
Ngunit nahimlay sa alabok ang pinakamasakit na sinapit.Ang taong ito, ang pinaka malungkot, malas at mahirap na taon sa lahat ng panahon na nagdaan sabi ng ilan
Subalit marami tayong dapat ipagpasalamat.
Mula sa maayos at malusog na kalusugan
Ligtas na katayuan
Maligayang pagkakibigan
Isang buong taon ng pagmamahalan
Pagiging malakas at buong pamilya
Sa kabil ng mahigpit at malupit na taon.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020