Darating ang araw na hindi na ikaw ang palagi kong isusulat sa mga tala.
Hindi na luha ang gagamitin kong tinta para buuin ang milyon-milyong mga salita.
Hindi na sakit ang magiging tema ng mga tula.
Wala ng lungkot at iyak na kailangan kong maramdaman sa tuwing iisipin kita.Balang araw hindi na ikaw ang magiging dahilan ng nakaliliyong ngiti
At sa gabi, hindi na ikaw ang pag-aalayan ko ng mga hikbi.
Hindi na ikaw ang hahanapin sa bawat sandali.Hindi ko ito ginusto pero ito ang nararapat.
Hindi tayo karapat-dapat, pero 'yon ang dapat.
Kailangang tanggalin ang mga tinik para maghilom ang mga sugat.
At ang tanging lunas ay ang ating pagtanggap.Hindi na ikaw–
Pero salamat parin sa lahat.
Salamat sa pagpaparamdam
na hindi ako sapat
Ngunit salamat rin,
Sa pagpapatunay na hindi ka tapat
At hindi ka sakin nararapat.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020