36

10 1 0
                                    


Sa oras na sabihin mong ayaw mo na,
Hindi ako magdadalawang isip na isiping pinag-isipan mo muna lahat, bago ka tuluyang bumitaw.
Ngunit, hindi rin ako mapapalagay mag-isip
Na siguro'y pagod ka na,
O maaring nakahanap ka na ng iba,
O pwede namang gusto mo lang maging masaya
Kahit hindi na ako kasama.

Sa oras na sabihin mong pagod ka na.
Dagli kitang yayakapin ng mahigpit hanggang sa hindi ka na makahinga
Hahayaan kitang magsalita,
Susubukan kong unawain ang sari-saring rason kung bakit napagod ka bigla


Unti-unti kong paniniwalaan ang mabubulaklak mong mga salita
Kagaya ng dati.
Katulad ng mga araw na nagpapaalam ka,
O kaya'y sa tuwing iiwan mo nalang ako ng bigla.



Hayaan mo.
Dahil sa oras na sabihin mong hindi na ako.
Hindi kita sisisihin.
Hindi ako manunumba't
Hindi ako iiyak, Hindi ako masasaktan.
Higit sa lahat, hindi ako magtatampo o magdaramdam.


Kung ayaw mo na,
Malaya kitang papakawalan.
Hindi ko na ipagpipilitan ang aking pagmamahal.
Kase kung ako naman talaga, hindi ka titingin sa iba.


Hindi mo ako lilisanin.
Higit sa lahat, hindi mo ako magagawang ipagpalit
Sa pagmamahal na natagpuan mo lang sa isang saglit.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon