Kapag dumating ang araw na ayaw mo na sa akin,
Sana wag kang magsisinungaling.
Sana wag mo akong pangakuan ng kakaibang paglalambing
Ng mga salitang matamis sa tainga ngunit masakit sa damdamin
Ng mga patak ng luhang 'mahal mo ako at hindi mo sinasadya.'
Ng mga paalalang 'wala akong dapat ipag alala dahil okay ka.'
Ng mga bagay na para lang sa mga manhid at tanga.
Wag na wag kang magsisinungaling
Na wala kang iba, kaya ayaw mo na.
Wag mong bilugin ang ulo ko sa kadahilanang,'kailangan mong mag-isip isip para makapag-isa.'Wag na wag mo akong gagawing tanga kapag magpapaalam ka.
Pakiusap, kapag aalis ka na.
Maaari bang wag ka nang magsalita pa.
Masakit marinig ang boses mo
Pero mahapdi ang bawat katotohanan na kayang isiwalat ng bibig mo.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020