94

1 0 0
                                    

Napagtanto ko, lahat tayo ay biktima ng hindi tiyak na kinabukasan.

Malamang, ang iba sa atin ay pasan-pasan pa rin ang bigat– ngunit patuloy pa rin sa paglakad.
Marami sa atin ang pagod at nakakaramdam na ng labis na hirap– ngunit sige pa rin ng sige sa pag-usad.

Napuno tayo ng daing at hinaing sa malabong hinaharap.
Hinahanap natin ang alwan sa ating mga katawan–
Nangungulila tayo sa ginhawa
Lahat tayo ay nakakapit sa walang kasiguruhan–
Lahat tayo ay pagod na – lngunit  patuloy pa rin na nakikipaglaban.

May mga daan na biglang nagsarado– at naging barado ng pangamba at takot.
May mga pangarap na– pinipilit na maabot ngunit biglang naudlot
May mga planong hindi iniadyang matupad–
At may mga oportunidad na hindi naaayon sa ating pangarap.

Sapagkat kagaya ng iba, napagtanto kong ang tunay na pagtanggap ay hindi nangangailangan ng pagpapanggap.
Na ang pag-abot ng pangarap ay resulta ng buong pusong pagtitiyaga at pagsisikap.
Na hindi mahalaga kung sino ang nauuna at nahuhuli– kundi ang pag-usad ng paunti-unti.
Na ang pahinga at pagsuko ay magkaiba
Na ang tunay na paglipad sa mga ulap ay banayad at mapagkumbaba – nasa baba ka man o nasa itaas.

Lahat tayo ay hirap at pagod na
Ngunit sana, wag mong kalimutan na magpakumbaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon