Kapag nasanay ka ng um-oo
nasasanay din silang sayo tumakbo
kapag kailangan nila ng tulong mo,
palagi ka nalang handang tumulong.Tanda mo pa ba 'nong lumapit sila?
kahit may ginagawa ka,
kahit hindi mo na kaya,
Patuloy mo lang na iniaabot ang iyong
kamay
kahit pa hirap na hirap ka nang itaas sila.Mahirap tumanggi.
Mahirap din ang humindi
Pag tumulong ka,
hindi pa rin sapat
Pag tumanggi ka,
ipinagdadamot mo ang lahat.Teka,
Natatatandaan mo pa ba?
n'ong minsan na– kinailangan mo sila
n'ong minsan na– nahihirapan ka
n'ong minsan na– nag-iisa ka at walang-wala.Hindi ba't sinubukan mong tumawag?
Makiusap ng pagsulyap at paglingap
subalit walang kahit na sino sayo ang tumanggap.
Ilang beses silang tumalikod?
Hindi mo na mabilang kung ilang beses mo na silang sinagip sa pagkakahulog
habang paulit-ulit kang nalulubog.Tumulong ka o hindi
Ikaw parin yong pinakamasama
at pinakamadamot.
Sagipin mo sila o hindi,
Ikaw 'yong nahuhulog.Pwede kang tumanggi
Pwede kang humindi.
Kung di mo kaya
wag mong ibigay.
Kapag sumusobra na –
tama na.
Tao ka lang.
At napapagod minsan.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020