Darating ang araw
sa tuwing nahihirapan ka,
nahihirapan kang ipakita ang ngiti
at pilit na saya dahil hindi mo gustong
makita ng iba
na nanghihina at napapagod ka na.ang mga araw na pinipilit mong maging sapat at karapat-dapat
para patunayan na malakas ka
sa gitna ng damdamin mong nagmamaktol at sumusuko na.ilang beses ka na ring umiyak at humiling ng gaan sa pakiramdam
sa tuwing bumibigat na ang mga bagaheng araw-araw mong dinadala.ang mga pagod na pilit mong pinapawi
sa tuwing ipinagpipilitan mo sa lahat na kaya mo pa.hindi mo na siguro kaya bilangin,
ang malalalim na buntong hininga
kasabay ng mga salitang 'pagod na, ayaw ko na.'minsan ay inisip mo nang sumuko para puksain ang sikip ng dibdib,
ngunit agad kang binabalot ng reyalidad
na walang ibang maasahan kapag
patuloy kang nagpahinga.paulit-ulit mong tinatakpan ang bawat butas
subalit marami pa rin ang kusang tumatagas.ilang beses mong tinangka na takasan ang buhay
at magpakalayo-layo sa mundong inanod na ng kamalasan ang buong espasyo.ilang ulit ka nang sumuko sa bawat pagkakadapa,
subalit hindi iyon naging hadlang para lumaban ka sa buhay ng patas.Darating ang araw, masasagot ang lahat.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020