Isinulat
N'ong gabing isinulat kita
sa aking puso,
sinigurado ko ang bawat detalye
na tungkol sayo
ang ngiti,
ang sulyap
ng iyong mga mata,
maging ang
makapal na kilay,
ang matangos na ilong
ang manipis
at mapulang labi,
ang lahat ng tungkol sayo,
sinaulado ko lahat
ng magandang bagay na may kinalaman sa buhay mo,
at ang kahinaan
na unti-unti kong minahal
at niyakap.Sa kung paano ko
natutunang lakbayin
ang bawat sekretong
pinakatatago mo
sa iyong kaibuturan
At sa kung paano ko
sinisid ang alat
ng umaalingasaw
mong nakaraan,
napagtanto kong
mas nararapat
pa kitang
mahalin at pahalagahan.At sa sobrang tagal kitang
hinintay na
iluwal sa aking paningin,
ganun kita
kagustong manatili
sa aking piling.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020