Dear Sarcastic Dwarf 4

61 3 0
                                    

Dear Sarcastic Dwarf,

Maganda ang gising ko ngayong araw. Napanaginipan ko kasi si Arjan eh. Naglalakad daw ako mag-isa papuntang Physics Lab ng biglang may humatak sa akin at bigla akong hinalikan tas napagtanto kong si Arjan pala yun!!! Napapikit nga ako sa sarap eh! Hahaha! Kaya ayun masayang masaya ang gising ko. Para kasing totoo yung naging panaginip ko. Huehue. First kiss ko si Arjan pag nagkataon.

Alam mo ba ang ginagawa ko sa tuwing naliligo ako? Tehee! Curious ka noh? Hahaha! Well una, pumapasok ako ng nakadamit tas umuupo muna ako doon sa toilet bowl at natutulog. Haha! Kaya nga ako nal-late eh. Nagigising lang ako pag sinisigawan na ako ng mommy ko ng 'HOI QUEENY! MAY BALAK KA PA BANG PUMASOK?! 7:30 NA!!" Tapos titignan ko sa cellphone ko eh 7:10 pa naman. Napaka exag talaga ng mommy ko. Sarap pektusan. Joke! Baka masampal pa ako nun pag nabasa ito eh.

So pagpasok ko sa school ay mas naging masaya pa ako kasi alam mo ba? Nakita ko si crush nasa terrace at mag-isa. Naka earphones pa siya. Shet lang ang cool niya talagang tignan! Kaya nga mas lalo ko siyang nagugustuhan eh. Pero alam mo ba dwarf? Ayaw sa kanya ng mga kaibigan ko kasi mayabang daw yun. Mayabang ba yun? Diba kayo yung palaging magkasama? Close ba kayo? Hays. Kung alam ko lang sana na magiging crush ko siya edi tumakbo din ako bilang student council. Magiging close sana tayo noh? Nga ba? Haha!

So moving forward, pagpasok ko sa room ay nakita kitang nakabusangot. What's with the face dwarf? Tuloy tuloy lang ako sa pagpasok at binati si Dexter pero inirapan lang ako. Isa pa yang lalakeng yan eh. May sapak din sa ulo pero wag ka mabait yan. Isang tawag ko lang ay sasagot na yan.

Recess noon ng bigla kang lumapit sa amin nina Maya at Frances. Inakabayan mo pa nga si Frances eh. Nakalimutan kong close pala kayo noh? Tayo lang pala ang hindi tss.

"Cyrus!" pabirong sinakal ka ni Frances pero wala lang sa'yo yun.

"Napadpad ka ata ditetch?" sabi naman sa'yo ni Maya.

"Problema mo kung mapadpad ako dito. Sa'yo ba ito?" sabi mo naman. As usual. Sarcastic ever.

"Sinabi ko bang akin?!!" sigaw naman ni Maya sa'yo.

"Kakasabi mo lang ng akin." tas nagpoker face ka.

"Hahaha OP si Queeny!" tawa naman ni Frances. Nilingon mo naman ako tsaka tinaasan ng kilay.

"Paki ko sa kanya?"

Ouch!

Isang malaking OUCH! Alam mo bang nasaktan talaga ako sa sinabi mo? Para sa'yo wala lang yun pero para sa akin may laman yun. Grabe you're so heartless. OA na kung OA pero naiiyak talaga ako noong sinabi mo yun. Kung sila okay lang kasi naman nasanay na sila sa'yo pero ako? Nag excuse nalang ako at lumabas tsaka umupo doon sa malapit sa fountain. Hindi talaga kita maintindihan Cyrus. Parang may galit ka talaga sa akin eh alam mo yun? You're so harsh. Ah! Naalala ko pa nga noong isang araw na sinabihan kita ng 'Ang harsh mo!' but then you just smirked at me then you told me : ' Don't feel special. Lahat ginaganito ko. Di lang ikaw. '

Tss.

"Miss , are you okay?"

Napalingon ako sa nagsalita at alam mo ba kung sino?!! Bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso. Namawis yung kamay ko at parang nanginig ang buong katawan ko.

O M G. KINAUSAP AKO NI ARJAN MARIANO?!

DWARF! KINAUSAP NIYA AKO!!

Kilig na Kilig,

Queeny ♡ Arjan

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon