Dear Sarcastic Dwarf 81

12 1 0
                                    

Nakakasilaw. Sobrang nakakasilaw ang kagandahan ko chos. Nagising ako dahil tapat na tapat sa akin iyong sinag ng araw! Medyo masakit din ang ulo ko. Ano ba naman 'to! Ang weakshit ko talaga pagdating sa inuman.

Pumagilid ako para tignan ang labas at para na din makaiwas sa sinag ng araw. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at napagtantong nandito pa rin pala kami sa cliff. Hindi ko na maalala pa kung ano ang nangyari kagabi at kung paano ako nakapasok sa sasakyan. Binuhat ba ako nina Edniel at Frances? Teka, ako ba unang na knockout?!

"Mabuti naman at sa wakas nagising ka na."

Wait, wait.

That voice.. it sounded like Cyrus! No way! Ano ba naman iyan, Queeny! Napakaobsessed mo naman ata sa duwende na iyon.

Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko at bahagya pa akong nagulat nang makita kong sino ang nakaupo sa driver's seat. He looks very serious and mad I think? Pero paano naman mapupunta si Cyrus dito? Busy iyon sa kanyang mga pasyente at malamang sa girlfriend niya. Sino ba naman ako para pag aksayahan niya ng precious time niya.

"Hindi. Lasing pa siguro ako." sabi ko sa sarili ko at pinikit muli ang mata sabay hilot sa aking sentido.

"It's my first time having a patient who escaped from the hospital just to get drunk. I see."

Minulat ko muli ang aking mga mata at nagkatitigan kami ni Cyrus. I blinked so many times at baka nga nag i-illusyon lang ako pero hindi pa rin nawawala si Cyrus sa paningin ko. What the hell? So totoo nga? Si Cyrus ito? Anong ginagawa niya? Nasaan sila Frances at Edniel?!

"Ano tititigan mo lang ba ako?" supladong tanong niya.

Hindi pa ako ready na makita siya after what he did yesterday. I can't talk to him right now. Naaalala ko na naman kasi kung paano niya halikan iyong girlfriend niya. Paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko.

Ano ba ang gagawin ko para 'di ko siya makausap? Tama. Ang himatayin! Magkukunwari akong nahimatay!

"Na.. nahihilo ako." sabi sabay hawak sa ulo ko. Tinignan ko siya at nakita ko kung paano nagbago ang kanyang expression. Suddenly he became worried. Worried? Totoo ba? Sa akin? Guni-guni ko lang siguro ito.

I then close my eyes and made a fake faint. Yes! Best actress award goes to Queeny Rosari Ortaleza! Bow down to the new best actress of the year! I can hear people clapping for me.

"Do you really think I'll buy that fake acting of yours?" rinig kong sabi ni Cyrus.

"Ngayon lang ako nakakita na nahimatay na nakangiti." I heard his sarcastic laugh.

Ay pota. Nakangiti pala ako?! Leche naman!

"You know what Nancy you're a terrible actress." dagdag niya pa.

Since I'm already busted, dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at umayos na ako ng upo. Nilibot ko muna ang aking paningin tsaka ko nilingon si Cyrus na nakakunot ang noo habang tinitignan ako.

"Cyrus? Anong ginagawa natin dito sa cliff? Bakit nasa sasakyan tayo? Oh my gosh!" tinakpan ko pa ang aking bibig. "Nagsleep walking ba ako? Dito ako napadpad? Nasundan mo ako? Salamat talaga Cyrus baka kung ano na ang nangyari sa akin. Siguro kung wala ka nahulog na ako sa cliff."

Oh my god! Anong pinagagawa mo, Queeny?

"Seryoso ka?" may panunuya sa kanyang tinig. "I told you you're not a good actress."

Shit. Nakakahiya. Siguro hindi pa nawawala ang alcohol sa aking sistema kaya ganito.

"Asan ba sila Frances at Edniel?" pagsusungit ko sa kanya.

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon