Dear Sarcastic Dwarf,
May sapi kaba ngayon at lumalapit ka sa akin? Sa pagkakatanda ko eh di naman tayo close. Sabi ni Quiselen sa akin kaya ka lang daw lumalapit sa akin kasi may gusto ka daw sa bestfriend kung si Frances. Alam mo bang nasaktan ako sa ginawa mo? Hindi sa may crush ako sa'yo at nagseselos ako. Kasi parang ginagamit mo lang ako ee. :( Ikaw kaya gamitin ko din para mapalapit kay Arjan gusto mo ba? I know heartless ka pero sana wag sa akin?
Alam mo ako yung klaseng taong nagdadamdam agad.
Nasa cafeteria ako noon ng makita kitang bumibili ng bigla mo akong harangin. Sa twing lalakad ako sa right doon ka din pupunta at pag sa left naman doon ka rin pumupunta! Pinagt-tripan mo ba ako?
"Dadaan ako." sabi ko sa'yo pero di ka nakinig. Imbis na padaanin mo ako ay ganito ang sinagot mo:
"Bakit kaba sunod ng sunod kung saan ako pupunta? May gusto kaba sa akin?"
@&%! alam mo bang gusto kitang murahin ng sabihin mo sa akin yun?! Ang assuming mo rin eh noh?! Diko alam kung magkakasundo ba tayo eh! Tss. Mukhang malabo.
Napagtawanan pa ako ng isa kung bestfriend na si Lullie! Sinabi ko kasi sa kanya yung nangyari kanina sa cafeteria at ang loka kinikilig like duh?! Hindi naman kita type noh! Eww lang kaya! Tas sabi niya boto daw siya sa'yo. Like, seriously?! Anong pumasok sa kokote niya? Papauwi na ako non ng makita kitang nakaabang ng tricycle. Nag-abang din ako hanggang sa may tricycle na huminto sa iyong harapan.
"Sa Little Street po ako." sabi mo tas sumakay. Huminto naman ang tricycle sa tapat ko at tinanong niya ako kung saan ako pupunta. Nilingon mo ako at agad ding tumingin sa harapan. Sungit!
"Sa Cute Street po ako." sabi ko naman at agad niya akong pinadasakay 'cause he can't resist my charm. Chos!
So ayun nga nakatabi kita. Alam mo yung 'ackward' shet. Tayo yun eh! Napaka ackward.
"May dumi ba ako sa mukha?" bigla mong tanong sa akin kaya naman napalingon ako sa'yo.
"H-ha?" nagtaka naman kasi ako kung bakit mo ako biglang tinanong ng ganun.
"Tss. Panay titig mo sa akin sa salamin." walang ka emo-emosyong sabi mo.
&%@! Shet na malagkit!!!!! Nahuli mo akong nakatingin sa'yo dwarf! Pero hindi ibig sabihin noon na crush kita o may pagnanasa ako sa'yo ah!!
"Assuming." mahina kong sabi pero di yun nakatakas sa pandinig mo.
"Whatever you say. Dito lang po manong."
Huminto na yung tricycle at bababa kana pero di ako umisod. Inis na inis kasi ako sa'yo eh! Alam mo yun?!!
"Papadaanin mo ba ako o hindi?" hindi kita inimikan.
"Ah. So ayaw mo akong pababain kasi gusto mo pa akong makasama ng matagal? I see."
@%&!!!! ALAM MO DWARF? NAKAKAINIS KA! NAPAKATAAS NG CONFIDENCE MO! SALUDONG SALUDO TALAGA AKO SA'YO! EH WALANG WALA LANG KA NAMAN COMPARE SA CRUSH KO EH! HE'S FREAKING HOT AND YOU ARE NOT! HE'S TALL AND HANDSOME AND YOU ARE NOT! KAPAL MO!!!
"Ang kapal mo! Alis ka nga!" tsaka tinulak kita.
Pero alam mo yung pinaka unexpected na ginawa mo ngayon araw? Tumawa ka!! Narinig ko ang paghalakhak mo! OMO! Is this for real? The Sarcastic Dwarf laughed?!
Napatulala nalang ako ng umuwi ako ng bahay. Hindi mawala sa aking isipan ang pagtawa mo. Ewan ko ba pero habang iniisip ko yung pagtawa mo ay napapangiti ako.
PS: HOI. DI KITA CRUSH AH! SI ARJAN PA RIN ANG LABS KO AHIHI! SHET NAKITA KO SIYA KANINA NA NAKATINGIN SA AKIN! HAHAHA. WAG KANG MAGSELOS AH? XD :*
Drop Dead Gorgeous,
Queeny ;)