Dear Sarcastic Dwarf,
Hi Babes! Ikaw ang nagpasimuno nito! Pagpasok ko kanina bigla mo nalang akong tinawag na babes!
Hi Babes!
Huh? Okay ka lang?
Uh huh. Bye muna babes ha? Labyu.
WEIRD!!! Okay ka lang? Like duh? Ewan ko sa'yo Cyrus. Nawe-weirduhan talaga ako sa'yo. Gustong gusto kong mabasa yang mga nasa isip mo alam mo yun? Sana naging mind reader nalang ako para aware ako sa kung ano yang iniisip. Minsan kasi mapang-asar ka tapos magiging snob ka naman tas magiging seryoso. So weird. I know bipolar ka gaya ng sabi ni Ma'am Yin. Kaya nga kayo magkasundo right? Kasi parehas kayo. Well wala naman akong issue sa pagiging bipolar mo eh. TBH. I really hate bipolar people. Ang hirap intindihin! Nakakasakit sila ng damdamin alam mo yun? Pero wala eh. Nasanay na ako sa bestfriend ko na bipolar. Alam mo? Minsan nakakapagod kayong intindihin pero ano bang magagawa ko kung ganyan ang taong mahal ko? Hey. I'm talking about my bestfriend ha? Not you. Eew. Never akong magkakagusto sa'yo. Ayokong magmahal ng lalakeng ang hirap basahin. Masasaktan lang ako pag ikaw yung magugustuhan ko kasi napakamysterious mo. I don't even know what's your life. Your parents, siblings and blah blah. Ang alam ko lang ay ikaw si Cyrus Jem Sandoval. Known as a bitter person and so sarcastic. I know you noong 2nd year ka pa lang. Nakikita kasi kita kasi classmate kayo ng isa sa close friend ko. Ang alam ko eh magaling ka sa photography? Sabi nila tsaka palagi kitang nakikitang nakahawak ng DSLR. Yaman mo. Tsaka ang alam ko rin ay Top 3 ka. Edi ikaw na! Ikaw na magaling tss! Ay ano ba 'to! Bakit ba kita naiisip? Dapat si Arjan lang eh. Ang epal mo kasi! Nakisiksik kapa sa isipan ko.
Alam mo dwarf? May is-share ako sa'yo. Naiinis ako sa ex ni Arjan dwarf. Nalaman niya kasing nagkagusto ako kay Arjan tas grabe dami niyang sinasabi tungkol kay Arjan! Proud na proud pa siya. Kesyo tumagal daw sila ng 2 years at alam daw ng family ni Arjan at kung ano pang ka echosan. Siniko siko nga ako ni Edniel eh. Napansin niya na naiinis na ako. Alam mo? Sarap niyang itulak sa hagdan kanina. Kung wala si Edniel dun baka natulak ko na yun. Pakshet siya. Pagselosin ba daw ako? At grabeh! She's acting like she's the current girlfriend! Pag naging bf ko si Arjan lagot yan sa akin yang babaeng yan. Di yan makalalapit kay Arjan. I hate sharing pa naman! What is mine is mine. Selosa ako eh. Paki mo ba? Aw. Wala ka pa lang paki sa akin. So yun nga inis na inis ako sa kanya! Nakakabwiset kasi e. Yuck lang at pumatol si Arjan sa kanya. At alam mo kung ano yung naiisip ko? Baka pinatulan ni Arjan kasi she's good at kissing? Mygaad! Ano ba itong naiisip ko dwarf! Pero alam ko kasing flirt siya eh. 'Kala mo naman ang bango ng bibig -_- Okay. Nagiging mapanlait na ako. But I am just stating a matter of fact!
So anyways, move on na tayo jan. Alam mo dwarf? Diko alam pero bakit mo ako inasar asar ngayon. FC ka? Porket yang close friends mo eh ka close ko na rin ay pwede ka ng maging close sa akin? Joke. Gusto ko ngang close tayo eh kasi pasok ka naman sa standards ko as a boy friend. May space yan. Matalino at matino ka naman so okay na. Alam mo kasi di naman ako malapit sa mga guys kasi natatakot ako e. Pero ngayong fourth year ako di ko inexpect na magiging kaclose ko si Dexter na seatmate ko. Siguro kong di ako nilipat ni sir ng upuan di ako mage-enjoy sa Senior year ko. Kasi yung mga katabi ko ang daldal esp si Dexter. Di matigil sa kadadaldal at mapang-asar din. Kaso B.I yun. Alam mo bakit? Ang hilig mang cheat hahaha! Sinasaway ko nga minsan eh. Pagkokopya din yan napaka ingay. Nakakainis. Kokopya na nga lang ang lakas pa ng boses. Di kaya mahuli siya? Ang ingay eh. Ah! May isa pa akong medyo ka close! Si Bull dog!!!! Hahahaha I don't know why they are calling him like that. And by the way, his is Filjohn. Akala ko nga noong una na apilyedo niya yan eh. But I like that guy. Nakakatuwang asarin eh. Hahaha!
Ang dami ko naman atang nashare sa'yo ngayon dwarf! Ang unfair mo rin eh noh? Ang dami mo ng alam sa akin. Ay bopols. Di mo pa pala ito nababasa. Ay mali. Di mo ito mababasa. Asa ka! Sige bye na muna ha? Magliligpit lang ng gamit kasi tomsy na yung leadership training namin eh! I'm so excited naaaaaaa!
PS: Maging friends kaya kami ni Arjan bukas? Sa pagkakaalam ko may dance competition sila mamayang gabi. Sana naman makahabol siya bukas :(
-Queeny