Dear Sarcastic Dwarf 72

22 1 0
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. May mga taong nakapaligid sa akin pero hindi sila malinaw sa aking paningin. I couldn't hear them clearly. The people around me are panicking which is hindi ko maintindihan. Who are these blurred people? Nalasing ba ako noong reunion namin? Hindi naman ako uminom ah?

Then what happened next? Ugh. Sumakit bigla ang ulo ko. Shit! Hang over ba ito? Hindi naman talaga ako uminom ah?!

"Doc! The patient is now conscious!"

"Check her vital signs."

Doc? Vital signs? What are they talking about? I opened my eyes widely to see nurses around me.

Teka.. nasa hospital ba ako?! Nilibot ko ang aking paningin at puro puti ito.. napunta ang paningin ko sa may machine sa gilid! Ano bang tawag doon? Wait, ginagamit ang machine na iyan kapag nasa critical na sitwasyon ka na.. Teka, am I dying? Why? Dahil nalasing ako? Omg! Naheart attack ba ako during our reunion? Dahil ba sa dami nang nakain kong lechon at humba?!

"A-anong nangyayari?" nagulat ako sa mahina kong boses.

Pinilit kong tumayo pero agad din akong pinahiga ng nurse.

"Huwag po muna kayong tumayo, ma'am." sabi ng nurse.

"Bakit nasa hospital ako? Anong nangyayari?" naguguluhan at kinakabahan na tanong ko.

"Asan mommy ko?!" mangiyak-ngiyak na tanong ko.

Mamamatay na ba ako?! Shit! 28 years old pa lang ako! Tapos mamamatay akong single? Sana nakinig nalang ako ni Edniel. Sana jinowa ko nalang si Ephraim. Pero dahil ba talaga ito sa lechon at humba? Nahighblood ba ako?

"Doc, her vital signs are okay."

"Okay. I'll check her heartbeat."

Napatingin ako sa doctor na naglalakad patungo sa akin.

Suddenly may tumugtog na time machine na kanta.

Everything is in slow-motion.

Parang tumigil ang mubdo ko dahil sa lalakeng naglalakad patungo sa akin.

Napatunganga lang ako habang nakatitig sa doctor na papalapit sa akin.

Nananaginip lang ba ako? Bakit ko siya nakikita? Am I hallucinating again? Pati ba naman sa crucial stage ng buhay ko, siya pa rin ang aking iniisip? Ganoon ko ba siya kamiss kaya nag-i-imagine na naman ako?

Nang nasa harapan ko na siya ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya. He has still that serious look on his face and the coldness in his eyes. The way he stares at me, it is still the same. He still looks the same but he matured. Sobrang nagmature siya.

Ano ito? Bakit sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Bakit naririnig ko ang bawat pintig ng aking puso?

"Nasa langit na ba ako?" tanong ko at narinig ko ang mahinang tawanan ng mga nurse.

"Wala." maikling sagot ni Cyrus habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Nananaginip ba ako? If this is a dream, please don't wake me up." wala sa sariling sabi ko.

"Tss. You are not dreaming. You've met an accident three months ago and you just woke up. You are in a critical condition and we thought that we will lose.. you. But yeah, matagal mamatay ang masamang damo." he said.

Three months?! Three months akong na comatose? Biglang nagflashback sa akin ang nangyari. Galing akong reunion and I was driving on my way home then suddenly may sasakyan na bigla nalang sumalpok sa akin! Shit! I almost died because of the negligence of that fucking driver! He went to the wrong lane! I will sue him! Shit! Kahit anong pag-iingat mo talaga sa pagmamaneho kapag nakasalubong ka ng mga barumbadong drivers, talagang ma-a-aksidente ka!

"If you have questions, I'll answer that after I'll check your heartbeat." malumanay na sabi niya.

Shit! No way! He'll find out that my heartbeat is beating so fast!

Bago niya pa mahawakan ang aking dibdib ay agad na tinampal ko ang kanyang kamay. Nakita kong nagulat ang mga nurse sa ginawa ko.

"No need for that!" sigaw ko. "Okay na ako 'di ba?! Okay na ako, Doc!"

"But I just want to make sure-"

"No!" I cutted him off. "I am okay! Kapag sinabi kong okay ako, okay ako. Tsaka ano bang paki mo sa nararamdaman ko ha?"

Nakita ako ang pag-igting ng kanyang mga panga. He was taken a bit because of my question pero agad din naman siyang nakabawi.

"Ofcourse I care because I am doctor. My goal is to cure my patient." he said coldly.

"But I am now okay!" I insisted. "Now please, leave." I said while looking directly to his eyes.

"Why are you so stubborn? I still need to check you up!" I can see that he is already annoyed by my actions.

Hindi ko alam kung bakit ganito din ang mga kinikilos ko. I told myself na kapag nagkita kaming dalawa ulit, I should be prim and proper in front of him. I should look okay in front of him. I should show that I am happy in front of him. That I should show to him that I am not affected anymore. But then lahat ng galit ko sa kanya ay bumalik. And I did the opposite thing.

"Why are you mad? Diyan ka naman magaling 'di ba? Ang mang-iwan? Why don't you leave now?" galit na sabi ko.

Wala na akong pakialam kung meron kaming ibang kasama dito sa room. The nurses are silent and I know they can feel the tension between us.

"I need to check your heartbeat, Queeny." matigas at madiin na sabi niya.

Natigilan ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan. Shit.. it's been twelve fucking years since I heard him utter my name. Bakit ba sa ganitong paraan kami nagkita? Pesteng aksidente! Talagang ipapakulong ko iyong driver na bumangga sa akin!

"I still need to check on you since may mga injuries kang natamo during the accident. I am doing this is for your own good. So please, cooperate." aniya tsaka nagsimula na namang lumapit sa akin pero hinarang ko ang aking mga kamay sa aking dibdib.

"But still! Ayoko! Hindi pa ako ready!" pagmamatigas ko.

"I will just check your heartbeat. What's wrong with that?" he is really pissed off. "Ano ba ang kinakatakot mo?" natigil siya at bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. "Are you afraid that I might find out that your heart is beating so fast because of me? Ganun ba?" panunuya niya.

"Grabe!" pinaypayan ko ang aking sarili. "Ang kapal! Wala na bang ibang doctor dito?! Wala ba kayong gwapo na doctor?" kausap ko sa mga nurse na halatang na-e-entertain na sa mga nangyayari.

"Bakit ito pa ang doctor ko?" tinignan ko pa si Cyrus mula ulo hanggang paa.

Cyrus laughed sarcastically. God, I missed that laugh!

"Para ka namang hindi nabaliw sa mukhang ito." he laughed again kaya naman sa inis ko ay binato ko siya ng unan.

"Get out!" naiinis na sabi ko.

"I guess the patient is not yet ready." Cyrus saild calmly without leaving my eyes. "I won't waste my time here since I still have to check my other patients. You are not my only patient, Attorney Ortaleza so don't feel special." aniya bago ako tinalikuran.

'So don't feel special." he always used that line to me.

Damn it! Sana hindi na siya bumalik!

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon